Isang lalaki ang inaresto dahil sa paglabag sa gun ban sa isang COMELEC at PNP Checkpoint sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City noong Enero 12, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Saud,” residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Habang nagsasagawa ng checkpoint ang Cotabato City PNP nang napansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek.

Nang inspeksyunin ang gamit ay bumungad ang isang CZ P-09 pistol, isang magazine na may 10 bala, at isang extrang magazine na may dalawang bala.

Nang hanapan ng dokumento mula sa dalang baril ay walang naipakita kaya inaresto ng pulisya.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Omnibus Election Code at illegal possession of firearms.

Pinaalalahanan ng Cotabato City PNP ang publiko na sundin ang itinakdang gun ban sa ilalim ng COMELEC upang masiguro ang mapayapa at maayos na halalan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *