Nasa 127 na unit ng water pump ang iginawad ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga sa mga magsasaka na mayroong kabuuang halaga na P4.3M halaga nito lamang ika-10 ng Abril 2025.

Naging benepisyaryo rito ang 98 farmer associations sa iba’ t ibang bahagi ng lunsod kung saan nakalinya ito sa pangako ng lokal na pamahalaan para sa sektor ng agrikultura upang mas mapabuti ang food production at masiguro ang food security sa lunsod.

Binubuo ito ng 61 unit ng 4×4-inch inlet at outlet water pumps na pawang nagkakahalaga ng tig- P45,000 na nakalaan sa mga rice farmer – association habang ang 66 na unit naman ng 2×2-inch inlet at outlet water pumps na nagkakahalaga ng tig-P25,000 ay nakalaan sa corn and vegetable grower-associations.

Ang mga benepisyaryo sa nasabing mga kagamitan ay masusing pinili ng agriculture district offices kung saan sinigurong mayroong access sa water sources na nangangailangan ng irrigation equipment ang mga ito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *