Sarangani — Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na may kasong Murder ang arestado ng mga awtoridad sa Brgy. Batian, Maitum Sarangani Province nito lamang Enero 4, 2023.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ewek”, 38 anyos, miyembro ng Guerilla Front 73 MUSA ng Far South Mindanao Region, at residente ng naturang barangay.

Kasabay ng pagsuko ng naturang NPA ay itinurn-over nito ang kanyang armas na Cal. 22 revolver.

Kasong Murder ang kinakaharap ng suspek na walang piyansang inirekomenda.

Patuloy ang panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na iwanan ang grupo, magbalik-loob sa pamahalaan at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *