Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang isinagawang Bamboo Tree Planting Activity sa Barangay Sainz, Mati City, Davao Oriental nito lamang ika-8 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Mother Nature Re-Greening Program ng lungsod ng Mati na kilala sa pambihirang ganda na taglay ng baybayin nito.
Maliban pa sa mga residente sa barangay at kalapit barangay ay nakiisa rin sa makahulugang aktibidad na ito ang Alpha Company, 66th Infantry Battalion at mga Criminology students.
Ang lungsod ng Mati sa pamumuno ni Mati City Mayor Honorable Michelle Nakpil Rabat ay patuloy naman sa mga programa nito na may iisang layuning makapagbigay ng ligtas na serbisyo habang pinangangalagaan ang ating likas na yaman.