Opisyal nang binuksan ang bagong Barangay Hall ng Brgy. Cuambogan na matatagpuan sa Prk. Maharlika, tagumpay City matapos ang matagumpay na inagurasyon na isinagawa noong Disyembre 21, 2024.

Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko at pangangalaga sa kapakanan ng mga residente ng barangay.

Sa okasyong ito, personal na dumalo si Mayor Rey T. Uy, na nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at nagbahagi ng kanyang mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng barangay.

Ibinahagi na nakatakda na magtayo ng mga karagdagang pasilidad tulad ng mga gusali para sa mga sektor ng komunidad, isang covered court na magsisilbing sentro ng mga aktibidad at kaganapan, at isang kids park na magiging lugar ng libangan para sa mga bata.

Ang mga proyektong ito ay makikinabang hindi lamang ang mga residente, kundi pati na rin ang mga susunod na henerasyon na magagamit ang mga pasilidad na ito para sa kanilang kapakanan.

Malaking pasasalamat naman ang ipinahayag ni Punong Barangay Roberto E. Isaal, at ang buong konseho ng barangay sa mga lider ng gobyerno na nagsakripisyo at nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang 10 milyung piso proyektong ito.

Ang mga serbisyong ito ay magpapalawak sa kakayahan ng barangay na magbigay ng mas maayos na serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *