Saya at pag-asa ang dala ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang community outreach program sa Barangay El Salvador, Lala, Lanao del Norte nitong umaga ng Mayo 15, 2024.

Pinangunahan ni Hon. Agel Tata L Yap kasama si Police Major Ronald Angelo H Rivel, Hepe ng Lala Municipal Police Station, kabalikat ang Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company Lanao del Norte, at Rural Health ng natural lugar ang nasabing outreach program.

Tumulong din ang force multipliers at Advocacy Support Groups sa naturang programa.

Ilan sa serbisyong handog ng community outreach program ay libreng medical check-up, pack meals, at school supplies.

Bukod dito, namigay din ng libreng tsinelas para sa mga estudyante, libreng gupit at nagkaroon ng lecture tungkol sa masamang epekto ng paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa kabuuan nasa 100 kabataan ang napasaya ng programa.

Patunay lamang ito na ang pamahalaan ay patuloy sa pag-abot ng tulong sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan.

Panulat ni Edwin Baris

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *