Inilunsad ang Scubasureros kaugnay sa pagdiriwang ng Environmental Month sa pangunguna ni Engr. Jose Alfonso A. Casurra na inorganisa ng Provincial Environment and Natural Resources sa Looc Beach, Barangay Punta, Bilar, Surigao City nito lamang ika-8 ng Hunyo 2024.

Kalahok ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Surigao del Norte, Coast Guard Special Operations Group – Northeastern Mindanao, Coast Guard Sub-Station Lipata, Coast Guard Sub-Station Malimono, at Coast Guard Sub-Station San Francisco.

Ang mga kalahok ay nakakolekta ng humigit-kumulang 50 sako ng nabubulok at hindi nabubulok na basura sa ilalim ng tubig at sa kahabaan ng baybayin.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *