Personal na tinungo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang lalawigan ng Sulu upang mamahagi ng tulong pinansyal nito lamang ika-6 ng Hulyo 2024.
Php10 milyon ang inilaan ng Pangulo sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El NiƱo sa naturang lalawigan kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng Php10,000.
Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa malaking tulong na natanggap mula sa Pangulo na nagbigay pag-asa upang makabangon muli at makapag-umpisa ng bagong hanap-buhay.