Isang restaurant sa Davao City ang gumawa ng hindi pangkaraniwang ice cream matapos ang may-ari nito ay gumamit ng itlog ng buwaya na katabi lamang ang kanyang tindahan sa Crocodile Park ng Davao City.

Ayon sa may-ari ng Sweet Spot Eatery na sila Dino at Bianca Ramos, hindi dapat mag-alala ang mga mahilig sa buwaya dahil ang ice cream na ito ay hindi gawa sa karne ng buwaya kundi sa mga itlog lamang na hindi napisa o sobra.

Si Dino ay binigyan ng itlog ng buwaya ng kanyang tiyuhin na may ari naman ng Davao Crocodile Park na katabi lamang ng kanyang restaurant at ito’y napagpasyahan niyang gamitin na pamalit sa itlog ng manok at gawing ice cream kasama ang mga karaniwang sangkap na gatas, cream, asukal at iba pang mga pampalasa.

Dagdag pa ni Dino, ito rin ay katulad ng pangkaraniwang ice cream at hindi ito lasang karne ng buwaya, tanging itlog lamang nito ang kanyang ginamit upang mas maging masarap ang kalalabasan.

Ang itlog ng buwaya ay mayroong 80 percent yolk at mas masustansya kaysa sa mga itlog ng manok.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo? huwag kalimutan na dayuhin at tikman ang kakaibang ice cream na gawa sa itlog ng buwaya kapag napadpad sa Davao City.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *