Upang matiyak na nasusubaybayan ang kalusugan ng ating mga kabataan, isang piling serbisyong medikal ang naging panimulang aktibidad sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan nito lamang Agosto 1, 2024 sa Digos City Gym.

Ang misyon medikal ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan Federation, sa pamamagitan ng City Special Programs and Management Office (CSPMO), Local Youth Development Office (LYDO), at sa pakikipagtulungan ng City Health Office.

Kabilang sa mga serbisyong handog ng aktibidad na ito ay medical at dental check-up at consultation, FBS test, HIV test, HEADDS at HIV counseling at libreng gamot.

Nagsilbi namang tema sa taong ito ang “”TogetThere, together; From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development” na nagbibigay-diin sa mahalagang koneksyon sa pagitan ng digitalisasyon at pag-usbong ng mga programang Sustainable Development Goal(SDG), na nagpapakita sa mahalagang papel ng mga kabataan sa proseso ng pagbabago.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *