Ipinamahagi ang fertilizer sa mga magsasaka sa iba’t ibang bayan ng Cotabato nito lamang ika-2 ng Agosto 2024.

Magkatuwang na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) XII at pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang naturang pataba para sa mga magsasaka ng lalawigan.

Pormal nang ipinagkaloob sa 517 “durian farmers” mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya ang tinatayang P13.04M halaga ng mga fertilizer.

Ito ay katumbas ng 4,174 bags na complete fertilizer 16-16-16 (Yara Mila Unik 16) at complete fertilizer with trace elements 15-9-20 (Yara Mila Winner) na pinondohan sa ilalim ng High Value Crop Development Program (HVCDP) ngayong 2024 ng DA bilang dagdag na tulong sa mga magsasaka ng durian sa probinsya.

Layunin ng pamahalaan na mapapalago ang sektor ng agrikultura na siyang pangunahing kabuhayan ng mamamayan sa probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *