Namahagi ng agricultural farm inputs ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum para sa mga magsasaka nito mula sa siyam na iba’t ibang organisasyon nito lamang Agosto 30, 2024.
Kabilang sa mga ibinahagi nito ay abono, pesticides, corn seeds, durian seedlings at mga kagamitan sa pagsasaka.
Labis naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaryo.
Aktibo namang nakiisa rito si Alkalde Rey T. Uy na personal na nag-abot ng mga handog ng lungsod.
Dagdag pa, tinalakay rin nito ang programang 4S.
Samantala, sa pangunguna ng butihing Mayor ng lungsod ng Tagum, magpapatuloy pa ang walang-suporta ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka hindi lamang para sa hanapbuhay ng mga ito kung hindi pati na rin matiyak ang sapat na pagkain sa buong siyudad.