Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang turnover ng seed capital funds sa Langub SLP Multipurpose Association sa Brgy. Langub, Talomo A, Davao City nito lamang Hulyo 10, 2023.

Ang livelihood association na binubuo ng 30 miyembro ay nakatanggap ng livelihood grant na Php450,000 para sa proyekto nitong tables and chairs rental, photocopy services, school supplies at general merchandise trading.

Ang nasabing proyekto ay suportado ng Langub Barangay Council na may barangay resolution para sa kanilang rental agreement. Bumili din ang asosasyon ng isang motor chariot upang magsilbing transportasyon na maghahatid ng kanilang mga mesa at upuan na kanilang pinauupahan.

Ang SLP ay naglalayon na mapabuti ang pang-ekonomiyang kagalingan ng mga mahihina, marginalized, at disadvantaged na mga indibidwal at pamilya sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapakilos at pagbibigay kabuhayan sa kanila sa tulong at suporta ng mga local government units at iba pang ahensya ng gobyerno.

Source: DSWD Davao

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *