Karaniwan na dinadayo ng mga turista at Dabawenyo ang Samal Island dahil sa natatangi nitong kagandahan ng dalampasigan, kung kaya naman ang Samal Island ay tahanan ng napakaraming beach resort sa buong rehiyon ng Davao.
Kaugnay nito, ang “Samal Island Hopping” ang pangunahing aktibidad na inaalok lalo na sa mga turista na nais malibot ang naturang isla.
Aabot sa siyam na destinasyon ang mapupuntahan sa isang araw.
Isa sa maraming small business na nag-aalok ng island hopping ay ang “Samal Island Hopping” na maaaring kontakin sa Facebook.
Sa halagang Php1,000.00 ay maaari ka ng makapunta sa Talikud Island, Coral Garden, Angel’s Cove, Dayang Beach Resort, Sabang Cliff, Pasig Quidopong, Wishing Island, Kaputian Beach Park at maaari ka ng makapag-coastal sightseeing sa Pearl Farm Beach Resort at Malipano Islands.
Kasali na rin sa iyong bayad ang tour guide, photographer at unlimited pananghalian na may lechon, buttered shrimp, kinilaw, inihaw na isda, prutas at soft drinks.
Ilan naman sa mga water activities na maaari mong maranasan rito ay ang cliff diving, dragon boat, snorkeling, jet ski riding at mayroon ring volleyball kung kaya naman ay hindi na nakapagtataka kung bakit ang Samal Island Hopping ay pwedeng-pwede pang barkada, pang-pamilya o di kaya’y pang-team building.