Lanao del Sur- Nasakote ang isang lalaki sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Punod, Calanogas, Lanao del Sur nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang akusado na si alyas “Imam” nasa wastong edad at residente ng naturang lugar.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inisyu ni Hon. Sittie Laarni Rakiin Umpa, Acting Presiding Judge ng RTC 12th Judicial Region, Branch 11, Malabang, Lanao del Sur noong ika-5 ng Disyembre 2023 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan ng ating bayan.