Iligan City- Sugatan ang 43 anyos na lalaki ng pagbabarilin ng tatlong suspek sa Quezon Avenue, Barangay Poblacion, Iligan City nito lamang Hulyo 17, 2023.

Kinilala ng biktima na si Junaid Panguinaguina, 43 anyos, at residente ng Bubong Ramain, Lanao del Sur.

Ayon sa imbestigasyon, matapos ihatid ng biktima ang kanyang anak at driver sa Gaisano Mall, pumunta ang biktima sa Barangay Poblacion nang biglang pagbabarilin ng tatlong suspek.

Agad naman nakatalon ang biktima sa kanyang sasakyan at tumakbo upang humingi ng tulong sa mga awtoridad at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.

Agad naman naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas ” Abdulgafur”, 31 anyos, residente ng Valencia City, Bukidnon; alyas “Aladin”, 43 anyos, residente ng Tubod, Iligan City; at alyas “Abdul”, 30 anyos, residente ng Marantao, Lanao del Sur.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang mga baril at mga bala na kanilang ginamit sa pamamaril.

Patuloy ang Iligan PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *