Timbog ng mga awtoridad ang Top 5 Provincial Level Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa Purok 2, Barangay Poblacion, Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang umaga ng Biyernes, ika-4 ng Oktubre, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jorge”, 58 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda.
Masigasig ang PNP sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang masiguro ang isang payapa at maunlad na komunidad.