Sumuko ang dalawang miyembro ng New Peole’s Army (NPA) sa mga otoridad sa himpilan ng 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company Headquarters, Aurora Street, Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato noong Oktubre 10, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Jar-ar”, 23 anyos, residente ng Brgy. Bacong, Tulunan, North Cotabato na dating miymebro ng NPA mula sa Guerilla Front ALIP ng Far Southern Mindanao Region habang si alyas “Ka Vincent”, 38, residente naman ng Brgy. Concepcion, Makilala, North Cotabato, miyembro ng SYP Platoon ng Guerilla Front ALIP.

Isinuko ni “Ka Vincent” ang isang unit ng UZI at isang magazine.

Nakatanggap naman kaagad ng tig-isang sakong bigas at tulong pinansyal mula sa pamahalaan ang mga sumuko.

Patuloy ang paghina ng teroristang grupo ng NPA na walang ibang dala kundi karahasan, terorismo at kriminalidad na hadlang sa kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *