Tiklo ang isang lalaki sa kasong Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Bato-Bato, Panglima Sugala, Tawi-Tawi nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Kim”, 36 anyos, residente ng Brgy. Tubig-Boh, Bongao, Tawi-Tawi.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na may inirekomendang piyansang Php200,000.00.
Ang Tawi-Tawi PNP ay patuloy sa mandato na sigurihin ang kaligtasan ng publiko, panatilihin ang kaayusan at katahimihan tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na pamayanan.