Isinuko ng isang lalaki ang kanyang loose firearm sa mga otoridad sa Brgy. Santa Clara, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang lalaki na si alyas “Abe”, 50 anyos, residente ng naturang lugar.
Samantala, nananawagan naman ang Basilan PNP sa iba pang may-ari ng mga baril na walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan upang maiwasan na magkaroon ng kaso.