Sa isang mahalagang seremonya, isang grupo ng mga dating rebelde ang formal na nanumpa sa harap ni Gobernador Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga nito lamang Oktubre21, 2024.
Ang mga dating rebelde, ay bahagi Na ngayon ng KALINAW Davao de Oro. Isang samahan ng mga dating rebelde na tinatawag na mga kaibigan na nailigtas mula sa lalawigan.
Ipinahayag naman ni KALINAW President Eugene Montejo Luyao, sa kanyang mensahe na sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanilang mga bagong tungkulin bilang mga tagapagtanggol ng katatagan at pag-unlad ng komunidad, ang KALINAW ay nakatuon sa pagpapalago ng Davao de Oro bilang isang insurgency-free province.
Kinilala naman ni Gobernador Gonzaga ang kahalagahan ng panunumpang ito, at kaisa sa paniniwalang ang pinalakas na ugnayan sa pagitan ng gobyerno at mga dating rebelde ay magbubukas ng daan para sa magkasanib na pagsisikap sa pagpapanatili ng pagkakaisa at pag-unlad sa buong lalawigan.