Masaya ang mga residente ng Sitio Talid-talid, Barangay Dominorog, Talakag Bukidnon sa isinagawang Community Outreach Program nito lamang ika-1 ng Agosto 2023.

Nagsagawa ng libreng medical check-up ang mga miyembro ng Department of Health 10.

Isinagawa rin ang pamimigay ng food packs, bigas, fertilizer, tsinelas, at school supplies.

Ang programa ay naisakatuparan sa tulong ng Regional Mobile Force Battalion 10, Department of Health 10, Department of Agriculture 10, Deparment of Social Welfare and Development 10, 2nd Special Forces Company ng PNP-SAF, Talakag Municipal Police Station, Faith based groups, at Battalion Advisory Group.

Mahigit kumulang 200 indibidwal ang natulungan sa naturang programa.

Patuloy ang pamahalaan sa pamimigay ng iba’t ibang tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan kaagapay ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng isang mapaya at maunlad na pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *