Binabalik-balikan ang Missy Bon Bon Bread Shop sa isang kiosk sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 2009. Ito ay pagmamay-ari ni Henrik Yu, at ng kaniyang asawa na si Anne Yu, katuwang ang kanyang matalik na kaibigan na si Cathy Genabe.

Nagkaroon rin ito ng expansion sa Davao City na kanilang business partner na si Gladys Surposa. Nang kalaunan, dahil ito ay pumatok sa panlasa ng Kagay-anon, nagkaroon ng kauna-unahang flagship store noong Abril 2010 sa Cagayan de Oro City.

Ang pinakaunang mga pagkain na binebenta rito ay tinapay at gelatos. Hindi akalain ng mag-asawa na papatok sa masa ang kanilang munting negosyo hanggang sa ito ay lumago ng lumago at mayroon na rin silang mga menu at savory dishes na katulad sa kanilang pastries na napakasarap.

Ang restaurant ay mayroong simpleng interior na disenyo pero nakakamanghang pagmasdan.

Meron ding Western at Filipino breakfast dishes, fresh salads, tasty pastas at masarap na lunch at dinner specials.

Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang mga produkto ay maipagmamalaking lokal.

Perpekto ang lugar na ito sa mga pamilya at mga bata,mga estudyante na gustong makapag-relax at mga nagtatrabaho na nais sariwain ang diwa pagkatapos ng subsubang trabaho sa opisina.

Kung kayo ay may pagkakataong makabisita sa siyudad ng Cagayan, bisitahin niyo ang lugar na ito nang masubukan ang kanilang mga masasarap na pagkain at masiglang himig ng paligid sa loob ng restaurant.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *