Pinasinayaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) IX ang panibagong storage facility na itinayo sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Liloy sa probinsya ng Zamboanga del Norte noong Nobyembre 12, 2024.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources (PENR) Officer Cidur Julsadjiri, magsisilbing imbakan ng mga mahahalagang materyales ang nasabing pasilidad. Inaasahang pagtitibayin ng storage facility ang mga operasyon, mapabuti ang resource allocation, at masuportahan ang mga environmental na inisyatiba sa naturang lugar.

Inaasahan din na sa pamamagitan ng naturang programa ay masuportahan ang mga pang-edukasyong inisyatiba na naglalayong mapataas ang kamalayan ng mga residente sa nasabing lugar hinggil sa pagprotekta ng kalikasan.

Layon ng CENRO Liloy na gamitin ang pasilidad upang pagtibayin ang kanilang kapasidad sa konserbasyon, tamang pamamahala ng basura, at reforestation programs.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *