Todas ang dalawang pulis at apat ang sugatan sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Ceossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte bandang 12:00 ng tanghali nito lamang Biyernes, Nobyembre 15, 2024.
Kinilala ang dalawang pulis na namatay na sina Patrolman Kirt Sipin at Police Corporal Roselyn Bulias, na binaril sa ulo ng mga supek na dahilan ng kanilang pagkasawi habang sugatan naman ang dalawang pulis na sina Patrolman Jonel Ramos at Patrolman Eddie Sugarol at ang suspek na sina Suhod Kasim at Ting Katalungan.
Nabatid na nakaramdam ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon at nagkaroon ng palitan ng putok at habulan hanggang sa ma-corner ang mga suspek.
Narekober sa operasyon ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Patuloy ang PNP sa pagsagawa ng malalim na imbestigasyon upang managot ang utak sa iligal na droga sa naturang bayan, habang ginagamot ang mga sugatang pulis at suspek sa pagumutan dahil sa nangyaring madugong enkwentro.