Sumailalim ng Agri-Mapping para sa 292 na mga magsasaka sa Bukidnon-Daraghuyan Tribe sa Sitio Damitan, Brgy. Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-17 ng Nobyembre 2024.

Ito ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Malaybalay City-Agricultures Office katuwang ang Department of Agriculture-Mindanao Inclusive Agriculture Development project (DA-MIADP).

Isa sa mga pangunahing proyekto ay ang farm-to-market road na nagkakahalaga ng Php17 milyon na may habang 1.45 na kilometrong papunta sa kanilang mga sakahan. Binigyang linaw ni Assistant City Agriculture Lilianne A. Obre, na tulungan mailatag sa mapa ang sakahan sa tribu na napabilang sa ancestral domain.

Ito ay koordinasyon ng City Planning and Development Office at City Environment and Natural Resources Office.

Nabanggit rin sa plano na bigyang opurtunidad ang mga katutubo na mga magsasaka na mailagay sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture para makabenipisyo sa mga ayuda na galing sa nasyonal at lokal na pamahalaan.

Nagpapasalamat si Regino “Datu Makatangka” D. Omarol, Tribal Datu sa suporta ng gobyerno na makatulong sa kanilang farm-to-market road project. Inaasahan na ito ay kanilang maingatan para mapanatili at mapakinabangan pa sa darating pang mga henerasyon habang napoprotektahan ang mana, kabuhayan at kultura.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *