Sugatan ang dalawang sundalo sa nangyaring ambush sa Barangay Magcawa, Al Barka, Basilan nito lamang Martes, Nobyembre 19, 2024.

Nabatid na ang dalawang sundalo ay pabalik na sana sa kanilang kampo mula sa isang Medical Mission, nang biglang pagbabarilin ng mga lalaking nasa gilid ng daan at inaantabayan ang pagdating ng sasakyan ng mga sundalo.

Agad na mang naidala sa pinakamalapit na pagamutan at kasalukuyang nagpapagamot ang dalawang sundalong sugatan.

Tulong-tulong na man ang pamahalaan, AFP at PNP sa pagtukoy sa mga mastermind ng naturang ambush at nanawagan ng kooperasyon upang matuldukan ang terorismo at kriminalidad sa naturang lalawigan at makamtan ang kapayapaan na susi sa ating kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *