Patuloy ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pagsasagawa ng malawakang medical-dental outreach sa Barangay Sudapin, Kidapawan City nito lamang ika-5 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ng mga doktor mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) kasama ang mga barangay health workers at volunteers.

Umabot sa 539 na residente ang nakabenepisyo sa serbisyong inihatid tulad ng: libreng medical check-up para sa 435 na pasyente, dental services para sa 66 indibidwal, tuli para sa 24 kabataan, at pamamahagi ng 14 complementary food packs (CFP) sa mga batang may kakulangan sa timbang at nutrisyon.

Taos-pusong pagmamalasakit ng pamahalaan para sa kanilang kapakanan at pangangailangan lalo na sa panahong may kinahaharap na krisis sa pangkalusugan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *