Idinaos ang 4th Union Leaders Quarterly Meeting na dinaluhan ng mga pangunahing lider at miyembro mula sa iba’t ibang sector sa Microtel By Wyndham, Valley High National Highway, General Santos City nito lamang ika-4 ng Disyembre 2024.
Tampok sa kaganapan si City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, bilang Keynote Speaker kasama ang iba pang mga lider ng ibat ibang sector.
Dito ay tinalakay ang mahalagang papel ng pagsisikap ng mga manggagawa sa pagpapaunlad ng bansa. Ang masiglang pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat isa sa sektor ng paggawa ang magiging susi upang makamtan ang mas mataas na kalidad ng buhay para sa mga manggagawa.
Nagpapasalamat ang Alkalde sa mga union leaders at ang kanilang patuloy na pagsusumikap para sa mga karapatan at kagalingan ng mga manggagawa, at tiniyak ang kanyang buong suporta sa mga hakbang na magsusulong ng mas makatarungang ekonomiya.