Nasamsam ang tinatayang P1.3 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kahabaan ng Purok Kaunlaran, Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat nito lamang ika-8 ng Disyembre 2024.

Naharang ang dalawang yunit ng Mini Van na minamaneho nina alyas “Nasrola”, 31 anyos at si alyas “Samsung”, 33 na kapwa residente ng residente ng Brgy. New Cebu, Lambayong, Sultan Kudarat.

Nabigo ang dalawang driver na magpakita ng mga kaukulang dokumento sa bawat sasakyan na may lamang 30 kahon ng New Berlin cigarettes na may lamang 50 ream kada kahon.

Sa kabuuan, aabot sa 60 kahon na may lamang 3,000 reams ng New Berlin cigarettes na may tinatayang halaga na Php1,320,000.00.

Patuloy ang PNP sa pagpaigting ng kampanya laban sa mga iligal na aktibidad upang masugpo at mapanatiling ligtas ang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *