Umarangkada ang serbisyong Iliganon Caravan 2025 sa pamimigay ng libreng serbisyo ng Local Government Unit ng Iligan City sa Brgy. San Roque, Iligan City nito lamang ika-14 ng Enero 2025.

Ang isinagawang programa ay aktibong nilahukan ng City Health Office, Bureau of fire Protection, PSA, Task Force Iligan, City Agriculture Office, City Information Office, PhilHealth, City Engineers Office, Social Security System, City Veterinarian’s Office at ibat-ibang mga advocacy support groups.

Aktibo ring nakilahok ang mga personahe ng Iligan City Police Office na nag-alok ng libreng tuli.

Mahigit 200 na benepisyaryo ang nabigyan ng tulong tulad ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, libreng gamot, livelihood, legal assistance, at iba pang pangunahing pangangailangan para makatulong sa mga residente.

Patunay lamang ito na hindi titigil sa pamimigay ng libreng serbisyo ang pamahalaan at PNP sa mamamayan lalong-lalo na sa liblib na lugar.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *