Masayang nakiisa ang mga residente ng Barangay Samay sa inilunsad na community outreach program na ginananap sa Covered Court ng Barangay Samay, Balingasag, Misamis Oriental nitong umaga ng Miyerkules, Setyembre 20, 2023.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng Police Regional Office 10, Misamis Oriental Police Provincial Office, at Local Government Unit.
Nagsagawa naman ng lecture ang National Intelligence Coordinating Agency 10 tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga residente ng nabanggit na lugar.
Mayroon din drug awareness lecture ang isinagawa ng Balingasag Municipal Police Station.
Namigay din ng food packs, limang kilong bigas, tsinelas, gamot, at libreng medical consultation.
14 na solar lights ang naipamahagi sa naturang aktibidad.
Ito ay bunga ng walang sawang pagsisikap ng kapulisan at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang maihatid ang dekalikdad na serbisyo sa ating mga kababayan.