Cabanglasan, Bukidnon- Tinatayang 300 indibidwal ang naging benepisyaryo ng community outreach program na ginanap sa Barangay Mauswagon, Cabanglasan, Bukidnon nito lamang ika-28 ng Setyembre 2023.

Sa naturang programa ay nagkaroon ng lecture ng anti-illegal drugs awareness at CTG’s Atrocities.

Masayang tumanggap ang mga residente ng food packs, limang kilong bigas, packed lunch, at school supplies.

Mayroon ding libreng serbisyong medikal at libreng tuli hatid ng Regional Medical and Dental Unit 10 at CLIMB CARES.

Sa huling yugto ng program ay nag turn-over ng solar lights sa naturang barangay.

Naisakatuparan ang aktibidad sa tulong ng Bukidnon PNP, Cabanglasan Municipal Police Station, Munisipalidad ng Cabanglasan, Life Coaches, NICA 10 at Barangay Peacekeeping Action Team.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *