Sumuko ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga otoridad sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur noong Pebrero 28, 2025.

Agad namang nakatanggap ng tig-isang sakong bigas at payong-payong motorcycle na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay mula sa pamahalaan.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang M16 rifle, dalawang cal. 30 Garand rifles, at isang 40mm M203 grenade launcher.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *