Matagumpay na naisagawa ang PRO BAR Mural Painting Contest Kick-Off Ceremony sa Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang Marso 3, 2025.

Dinaluhan ni Mr. Salem Y. Lingasa, Ph. D, Chairperson ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage, ang naturang aktibidad na nagsilbing bilang panauhing pandangal kasama ang 30 PRO BAR artists participants galing sa iba’t ibang Munisipalidad ng BARMM at karatig rehiyon, at mga personahe ng PRO BAR sa pangunguna ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR.

Ito ay may temang “Recognizing Unity in Diversity, Mobilizing Artists against Criminality towards the Attainment of Peace And Zealous Public Service in Bangsamoro Autonomous Region” na kung saan ito ay gaganapin ng 14-araw na patimpalak ng Mural painting ng mga kalahok upang lumikha ng makabuluhang sining.

Ang temang ito ay sumasalamin sa pagdiriwang ng pagkakaiba-iba ng kultura, pagsulong ng pag-unlad ng BARMM, at pagpapakita ng sining bilang isang makapangyarihang paraan ng pagpapahayag ng kapayapaan, pagkakaisa, at harmony sa pagitan ng tatlong pangkat-etniko na naninirahan sa Bangsamoro Autonomous Region.

Ang mga mahuhusay na PRO BAR artists ay gagamitin ang kanilang talento sa pagguhit upang ipakita ang kanilang kamangha-manghang likhang sining na magpapakita ng positibong katangian ng rehiyon at magbibigay-inspirasyon sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, layun nitong hindi lamang pagyamanin ang sining at kultura ng Bangsamoro, kundi hikayatin din ang buong komunidad na yakapin ang sining bilang isang makapangyarihang paraan ng pagpapahayag at pagbabago.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *