Isinusulong na maging protected area ang Mt. Gabunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pinayagan ng Sangguniang Panlungsod ang mungkahi nito lamang ika-8 ng Abril 2025 sa Barangay Rogongon, Iligan City, Lanao del Norte.
Inaprubahan ang mungkahi sa pamamagitan ng isang resolusyong isinulong ni Konsehal Samuel Huertas, Chairperson ng Environment and Solid Waste Management Committee.
Ang desisyon ay ibinatay sa resulta ng Protected Area Sustainability Assessment (PASA) na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Layunin ng pagsusuring ito na matiyak ang pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan ng nasabing lugar.