Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng iba’t ibang mga aktibidad sa World TB Day sa pakikipagtulungan sa ibang mga ahensya ng gobyerno noong ika-8 ng Abril, 2025.

Pinangunahan ito ng City Health Office (CHO) kung saan nagsagawa din ng Nationwide Tuberculosis Active Case Finding Event sa naturang lunsod.

Nag-alok ng libreng serbisyo sa mga dumalo sa aktibidad kagaya ng libreng diagnostic services kasama ang HIV testing, chest X-ray, ECG at sputum collection para sa GeneXpert testing.

Nakiisa rito ang mga tanggapan kagaya ng Department of Health (DOH-9), Philippine Business for Social Progress (PBSP), United States Agency for International Development (USAID), out-of-school youth members at marami pang iba.

Tema nito ay “For a #TBFree Nation, YOUth can #EndTB,” naglalayon ang aktibidad na malabanan ang sakit na tuberculosis sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga hakbang para maiwasan ito at maitaas ang kamalayan ng publiko upang mawala ang stigma lalo na sa mga kabataan ng Zamboanga City.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *