Sumubok ang 579 aplikante para sa Cagayan de Oro City Scholarship Program Qualifying Exam na pinangunahan ng City Education and Development Office – Cagayan de Oro City katuwang ang Center for Educational Measurement (CEM) nito lamang Abril 26, 2025 sa Lumbia National High School Covered Court, Cagayan de Oro City.
Malaking tulong sa mga kabataan ang nasabing programa na naglalayong makapagbigay ng tulong pinansyal sa kanilang pag-aaral.
Ang inisyatibo na ito ay naglalayong ilapit ang mga oportunidad sa scholarship ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral sa malalayong lugar at mahihirap na estudyante na may angking talino upang mabigyan, matulungan ng pamahalaan at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
