Isinagawa ng City Health Office ang blessing at soft opening ng Digos City Super Health Center nito lamang Abril 24, 2025 sa Lapu-Lapu Bataan Street, Barangay Zone III, Digos City, Davao del Sur.
Ang bagong tayong pasilidad ay mayroong X-ray room, dental laboratory, pharmacy, ECG at ultrasound room, at maaari ring magsagawa ng minor surgeries at medical consultations.
Ito ay isang makabagong pasilidad na naglalayong palawakin at pagbutihin pa ang serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng lungsod.
Ang Digos Super Health Center ay isang proyektong naisakatuparan sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health, na may kabuuang pondo na Php10,591,664.62.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang kumpletong pagdating ng mga kinakailangang kagamitan bago ito magsimulang tumanggap ng mga pasyente mula sa pangkalahatang publiko.


