Pormal nang isinagawa ang turn-over ceremony para sa unang batch ng mga negosyanteng bibigyang-puwesto sa bagong Panabo City Market Complex, Davao del Norte noong Abril 25, 2025.

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, kabuuang 39 na stalls ang opisyal na ipinagkaloob sa mga napiling benepisyaryo.

Ilan sa mga negosyo na itatayo sa loob ng pasilidad ay mga parmasya, kainan, bangko, panaderya, optical clinic, dental clinic, at iba pa.

Inaasahan na magbibigay ito ng mas malawak na serbisyo sa mga mamimili at magpapalakas sa lokal na ekonomiya.

Ayon sa mga opisyal, bahagi ito ng layunin ng pamahalaang lungsod na mas mapaunlad pa ang sektor ng kalakalan sa Panabo at matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa mas modernong pasilidad ng pamilihan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *