Nasabat ang P2,000,000.00 halaga ng puslit na yosi mula sa dalawang inibidwal sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Abril 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Sely” at alyas “Abdur” pawang residente ng Brgy. Poblacion, Jolo, Sulu.
Nakuha ng pulisya ang 100 kahon ng assorted puslit na yosi na walang mga kaukulang dokumento at may kabuuang halaga na aabot sa P2,000,000.00.
Patuloy sa pagsiguro ang PNP na walang iligal na aktibidad ang magaganap sa komunidad tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran.
