Nasakote sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang isang noturyos na kriminal sa kasong Multiple Counts of Rape sa Lopez Jaena, Misamis Occidental nito lamang Sabado, Abril 26, 2025.

Kinilala ang naaresto na isang 24 anyos, lalaki, binata, isang electronics technician na kasalukuyang naninirahan sa Lopez Jaena, Misamis Occidental, at orihinal na taga-Molave, Zamboanga del Sur.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong panggagahasa sa ilalim ng Article 266-A (1) kaugnay ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) (7) counts na walang inirekomendang piyansa.

Ang PNP ay sinisiguro na ang lahat ng mga kriminal at may pananagutan sa batas ay mailagay sa likod ng rehas at makamit ng biktima at pamilya nito ang hustisya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *