Isinulong ang Income Tax Filing Campaign sa pamamagitan ng press briefing na may temang “Buwis na Tapat, Tagumpay Nating Lahat” na ginanap nito lamang Martes, ika-8 ng Abril sa Lungsod ng Tagum, Davao del Norte.
Pangunahing layunin ng press conference ay ang pagtaas ng boluntaryong pagsunod sa buwis.
Ang BIR ay nagbigay diin sa kahalagahan ng bawat indibidwal na maging tapat at maagap sa kanilang pagbabayad ng buwis.
Bilang bahagi ng pagsulong sa makabagong sistema, binigyang pansin ng BIR ang paggamit ng mga electronic platforms partikular ng ORUS (Online Registration and Update System) at eONETT (Electronic Online Tax Filing and Payment System).
Ang mga sistemang ito ay layuning gawing mas mabilis, mas magaan, at mas episyente ang proseso ng pagpaparehistro at pag-file ng income tax.
Ang press conference na ito ay sumasalamin sa layunin ng BIR na mas mapalawak ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng tamang pagbabayad ng buwis at ang epekto nito sa pag-unlad ng bansa.
Ang pagiging tapat sa pagbabayad ng buwis ay hindi lamang nagpapakita ng paggalang sa batas kundi nakakatulong din ito sa pagpapalago ng mga proyektong pampubliko at sa pagpapabuti ng mga serbisyo ng gobyerno tulad ng edukasyon, kalusugan, at imprastruktura.
