Isang ocular inspection ang isinagawa ng mga tauhan ng Sta. Maria Police Station nito lamang Abril 6, 2025 sa mga beach resort sa Barangay San Agustin, Davao Occidental, bilang paghahanda para sa nalalapit na Holy Week upang matugunan ang inaasahang dagsa ng mga tao.
Sa isinagawang ocular inspection, tinutok ng mga kapulisan ang mga aspeto ng seguridad tulad ng kakayahan ng mga resort na magbigay ng proteksyon sa kanilang mga bisita, ang presensya ng mga security personnel, at ang mga sistema ng emergency response, tulad ng mga lifeguard, first aid kits, at fire safety equipment.
Sinuri rin ang mga access points ng mga resort upang matiyak na hindi magiging sagabal ang mga ito sa mabilis na pag-responde ng mga awtoridad sakaling magkaroon ng mga insidente.
Sa kabuuan, ang ocular inspection ay bahagi ng isang masusing plano ng Sta. Maria PNP, upang magpatuloy ang mga pagsisikap sa pagpapaigting ng seguridad sa mga pampublikong lugar at mga pasyalan sa panahon ng holiday season.
