Timbog ang noturyos na kriminal na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Goleo, Sindangan, Zamboanga del Norte nito lamang Abril 7, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Samplong” 30 anyos, lalaki, residente ng Brgy. Calaca-an, Plaridel, Misamis Occidental.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagdakip sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.