Nasakote ang Region 12 most wanted person sa kasong murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Bagakay, Barangay Lumatil, Maasim, Sarangani Province nito lamang Abril 10, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Roger”, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko at kaayusan ng komunidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *