Idinaos ang Kaamulan Street Dancing 2025 sa kahabaan ng daan ng Malaybalay City, Bukidnon nito lamang umaga ng Sabado, Abril 12, 2025.

Nagpamalas ng angking talento at husay sa pagsayaw ang mga kalahok na suot ang traditional na mga damit ng pitong tribo na bumubuo sa probinsya ng Bukidnon.

Makukulay, masaya at makahulugan ang Kaamulan Festival, na ang ibig sabihin ay “amol amol” o “pagtitipon” ng pitong tribo ng Bukidnon.

Yayain na ang buong pamilya at barkada! Maki-enjoy na sa Kaamulan Festival 2025.

Photos by: Juanderful Kagayan

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *