Muling nasilayan ang malinis at maayos na kapaligiran sa lungsod ng Davao matapos ang matagumpay na paglilinis ng mga campaign materials na ginamit sa Halalan 2025.

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Davao, sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang masinsinang operasyon ng pangangalap at pagbaklas ng mga election paraphernalia sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Sinimulan ang clean-up drive sa mismong gabi ng halalan, at agad na inaksyunan ng mga tauhan ng CENRO.

Sa ngayon, malinis na ang mga pangunahing lansangan, eskinita, at iba pang pampublikong lugar sa lungsod — wala nang bakas ng tarpaulin, posters, o flyers na madalas makitang nakasabit sa poste, pader, at puno tuwing eleksyon.

Matatandaang ipinalabas noong Mayo 9 ang Executive No. 6 s. 2025, na nag-aatas sa lahat ng lokal na kandidato na bumuo ng kanilang sariling mga grupo para aktibong makilahok sa pagbaklas, muling paggamit, at pag-recycle ng mga ginamit na campaign materials mula Mayo 13 hanggang 15.

Ang matagumpay na paglilinis ay hindi lamang naglalayong ibalik ang kaayusan ng lungsod kundi nagpapakita rin ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan kahit sa panahon ng halalan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *