Maagang nakatanggap ng pamasko ang 200 indibidwal sa isinagawang community outreach program ng Police Regiol Office sa Barangay Kalitian, Kinoguitan, Misamis Oriental nito lamang ika-5 Disyembre 2023.
Nanguna sa aktibidad si Police Colonel Martin M Gamba, Chief Regional Staff, Police Regional Office 10 kasama si Police Coloenl Cholijun P Caduyac, Provincial Director, Misamis Oriental Police Provincial Office.
Nakiisa din si Hon. Danilo A Lagbas Jr, Alkalde ng Kinoguitan katuwang ang Life Coaches, Advocacy Support Groups, Force Multipliers, National Intelligence Coordinating Agency 10 at Philippine Army.
Handog ng programa ang pamimigay ng food packs, limang kilong bigas, tsinelas, school supplies, at libreng gamot.
Mayroon ding libreng medical at dental check-up ng Regional Medical and Dental Unit 10, feeding program, at mobile library.
Nagkaroon naman ng pagsasanay sa pagluluto at pagtatanim ang mga miyembro ng Technical Education and Skills Development Authority 10 upang magamit na mapagkakakitaan ng residente ng barangay.
Nag turn-over naman ng solar lights ang Revitalized Pulis sa Barangay.
Patuloy ang ganitong uri ng aktibidad na suyudin ang Geographically Isolated Disadvantage Areas o GIDAS upang maihatid ang dekalikad na serbisyo sa mamamayan.