Kasabay ng pagdaraos ng Traditional Flag Raising Ceremony ng Police Regional Office 10 ay matagumpay na inilunsad ang “Serbisyong C.A.R.D.O., Serbisyong May Puso” nito lamang umaga ng ika-11 ng Disyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr, Regional Director, Police Regional Office 10 kasama ang Command Group, at Regional Staff.
Bukod dito, ay ginawaran din ng parangal ang piling miyembro ng PRO 10 na nagpamalas ng galing at dedikasyon sa trabaho.

Nagkaroon din ng signing of Memorandum of Understanding and Pledge of Commitment sa pagitan ni PBGen Layug Jr., at stakeholders.
Naging kaiisa din ang iba’t ibang ahenya ng pamahalaan, advocacy support groups at faith based volunteers.
Ang Serbisyong C.A.R.D.O o Commitment to Excellence and Efficiency, Adherence to PNP Policies and Programs, Respect for Human Rights, Dedication to the Rule of Law and Outstanding Collaboration and Partnership with the Community and Stakeholders ay nakaangkla sa 5-focused Agenda ni Chief PNP, Police General Benjamin Casuga Accorda Jr na mas mapalakasin ang serbisyo sa komunidad at paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad sa Hilagang Mindanao.